Joint Statement
Families of Victims of Involuntary Disappearances (FIND)
Asian Federation Against Involuntary Disappearances (AFAD)
English Version
With no tombs or columbaria to visit, the families of the disappeared who are members of FIND gather every year on All Souls’ Day at the Bantayog ng mga Desaparecido at the Baclaran Church grounds to pray, offer flowers, light candles, and share memories of the sterling lives and martyrdom of their missing loved ones.
Today, these poignant memories are mocked and dishonored by Bongbong Marcos who insists that the best administration was that of his father’s as he glosses over the existence of some 100,000 victims of human rights violations during the Marcos regime. Among these, FIND has documented 882 victims of enforced disappearance, with the number of undocumented cases believed to be much higher.
Survivors of enforced disappearance under martial law and the families of the disappeared are living witnesses to the rampant human rights violations during the dark years of the Marcos dictatorship. They can tell Bongbong Marcos to his face their harrowing experiences of repression and injustice.
The martial law human rights violations victims Claims Board is currently validating supporting documents covering more than 70,000 victims.
Bongbong Marcos may not have directly perpetrated human rights violations, but he has no right to deny that these inhumane and cruel transgressions were committed during his father’s regime or to concede there were victims but at the same time dismiss them as unintended collateral damage.
Bongbong Marcos brazenly adds insult to injury by disregarding the fact that it was his father’s administration that launched the infamous floating rate in 1970, a de facto devaluation of the peso that persists to this day; the ballooning of the country’s foreign debt whose principal and interest payments have gobbled up the government’s meager resources for basic social services; the occurrence of the highest inflation rates in Philippine economic history in 1976 and in 1983; and the rising number of Filipinos living below the poverty threshold.
It’s a shame for Senator Marcos who now aspires to be Vice President to flaunt his perfidious ignorance of Philippine history and the country’s political economy.
Instead of trying hard to clear his father’s name, the noble thing for him to do is to apologize on his behalf, and help the victims and their families attain justice by supporting measures on accountability, truth recovery, reparations, and institutional reforms.
Since enforced disappearances are generally continuing offenses, President Aquino must now order the long overdue serious investigations into these unresolved cases toward bringing the perpetrators to justice.
Filipino Version
Dahil walang mga puntod na mabibisita, ang mga kamag-anak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala na kasapi ng FIND ay nagtitipon taun-taon tuwing Araw ng mga Kaluluwa sa Bantayog ng mga Desaparecido sa Baclaran Church grounds upang dito magdasal, mag-alay ng mga bulaklak, magsindi ng mga kandila, at magbahagi ng mga alaala ng kadakilaan at pagkamartir ng kanilang mga mahal sa buhay na iwinala.
Kasalukuyang nililibak at niyuyurakan ni Bongbong Marcos ang mga madamdaming alaalang ito sa kanyang paggiit na ang administrasyon ng kanyang ama ang pinakamahusay sa lahat, kasabay ng kibit-balikat na pagwawalang-bahala sa may 100,000 biktima ng paglabag ng karapatang pantao noong rehimen ni Marcos. Sa bilang na ito, nadokumento ng FIND ang 882 biktima ng sapilitang pagkawala, pinaniniwalaang ang bilang ng hindi pa nadodokumento ay ‘di hamak na mataas.
Ang mga lumitaw na biktima ng sapilitang pagkawala noong batas militar at ang mga pamilya ng mga biktimang hindi pa natatagpuan ay mga buhay na saksi sa walang humpay na mga paglabag sa karapatang pantao noong madidilim na mga taon ng diktadurya ni Marcos. Kaya nilang sabihin nang harap-harapan kay Bongbong Marcos ang tungkol sa kanilang mga karumal-dumal na karanasan ng represyon at kawalan ng katarungan.
Sa ngayon ay nasa proseso ng pagkumpirma ng mga dokumento ng may 70,000 biktima ang martial law human rights violations victims’ Claims Board.
Maaaring hindi nga direktang nagsagawa ng mga paglabag sa karapatang pantao si Bongbong Marcos, ngunit wala siyang karapatang itanggi na ang mga malupit at hindi makataong pagkakasala ay isinagawa noong rehimen ng kanyang ama, o amining may mga biktima nga ngunit ideklarang sila’y pawang di sinasadyang collateral damage lamang.
Dagdag pa rito ang walang pakundangan at mapanghamak na pandededma ni Bongbong Marcos sa katotohonang ang ama niya ang naglunsad ng pinulaang floating rate noong 1970, na sa totoo lang ay pagbaba ng halaga ng piso na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan; ang paglobo ng utang panlabas ng bansa na lumalamon sa malaking bahagi ng pambansang badyet kung kaya’t kakarampot na lamang ang natitira sa mga batayang serbisyong panlipunan; ang pagkakaroon noong 1976 at 1983 ng pinakamataas na inflation rates sa kasaysayan ng ekonomiya ng Pilipinas; at ang patuloy na pagdami ng mga Pilipinong dukha (living below the poverty threshold).
Isang malaking kahihiyan para kay Senador Marcos na ngayon ay nag-aambisyong maging Bise Presidente na ipangalandakan ang kanyang kamangmangan sa kasaysayan ng Pilipinas at sa pulitikal na ekonomiya ng bansa.
Sa halip na magkandarapa sa paglilinis ng pangalan ng kanyang ama, ang nararapat at marangal na kailangan niyang gawin ay humingi ng tawad para dito, at tulungan ang mga biktimang makamit ang katarungan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga hakbang tungo sa tunay na pananagutan, katotohanan, at repormang institusyonal.
Dahil karaniwang continuing offenses (patuloy na isinasagawa habang ang kinaroroonan at kapalaran ng biktima ay hindi pa natitiyak) ang sapilitang pagkawala, dapat ay kagyat nang iutos ni Presidente Aquino ang matagal na dapat na isinagawang seryosong pag-imbestiga ng mga kasong hindi pa nareresolba upang dalhin sa hustisya ang mga salarin.